Advertisers

Advertisers

LT. COL. GARIE NOEL PASCUA, CITY DIRECTOR ALAMINOS, PANGASINAN PNP

0 512

Advertisers

Iba kapag professional ang datingan ng isang hepe ng kapulisan. Ika nga, his career records speak for itself.

Di na nito kailangan pa ng maraming salita o pasakalye para iparating sa kanyang mga subordinates ang kanyang leadership style at mga programang nais nitong isakatuparan sa isang police command.

‘Yan si Lt.Col. Garie Noel Pascua, ang City Director ng Alaminos City, Pangasinan PNP.



Istrikto pero definitely with compassion in his heart.

Nais lamang nitong maging maayos na kapulisan ang bawat miyembro ng Alaminos PNP.

Yung nirerespeto at minamahal ng mamamayan ng siyudad na kanilang pinaglilingkuran.

Leadership by example ang gusto nitong ipakita sa kanyang mga tauhan.

Itaguyod at isulong ang motto ng PNP na “To Serve and Protect the People”.



Para kay Col. Pascua, mahalaga para sa kapulisan ng Alaminos City na makuha ang tiwala at respeto ng mamamayan upang maging maayos at maganda ang maging relasyon ng pulis at ng mga residente ng lungsod.

Di kakayanin ng kapulisan na mamintine ang peace and order kung walang pakikipagtulungan ang mga mamamayan nito.

Galit si Col. Pascua sa mga korap na alagad ng batas.

Ito ang dahilan kung kung bakit nangunguna sa kanyang mga plano bilang police city directors ay isulong ang Moral Recovery Program ng pambansang kapulisan.

Kailangan maging maayos at tama ang pag-uugali ng bawat pulis, pagdidiin ni Col. Pascua.

Paano mong sasawayin ang mga lumalabag sa mga alituntunin at batas kung ang mismong mga pulis ay pasaway din at di gumagawa ng wasto.

Kung gusto natin madisiplina ang mamamayan, kailangang magmula mismo ang disiplina sa kapulisan.

“The law must apply to all”.

Walang kikilingan.

Walang pipiliin mayaman man o mahirap.

Nakatuon din ang focus sa anti-illegal drugs war ng administrasyong Duterte at iba pang anti-criminal activites sa kanyang AOR.

“To eradicate this menace in our society, the police should not only double but triple their efforts in intel gathering”.

Kailangan 3 to 4 steps ahead tayo sa mga criminal elements, pahayag pa ni Col. Pascua.

“Mahalaga rin ang tulong ng mga local at barangay officials, sila ang ating sources of informations sa mga kaganapan sa kanilang mga lugar”.

Bukod sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan ang kanyang pinaglingkuran at iniwang maayos.

Si Col. Pascua ay naging Deputy for Record Management Division at naging Deputy for Senior Officers Placement Promotion Division (SOPPD) sa Camp Crame.

Bago maging City Director ng Alaminos City, naging City Director din ng San Carlos City PNP at naging morning Deputy Director for Operation din ng Pangasinan Provincial Police Office.

Ngayon ngang pandemic malaki umano ang ibinaba ng crime index dahil mahigpit na nababantayan ng kapulisan ang mga boarders ng siyudad making it very difficult para sa masasamang loob na kumilos at gumawa ng krimen.

Nagpapasalamat din si Col. Pascua sa mga residente ng Alaminos at sa mga bisita nito sa maayos na pagsunod ng mga ito sa mga itinadhanang health protocols ng pamahalaan.

Dito sa Alaminos ay wala kaming problema dahil maayos na nakikipagtungan sa kapulisan ang mga mamamayan.

Maganda ang disiplina dito sa aming lungsod, pahayag pa ng mamang koronel.

Mabuhay ka Col. Garie Noel Pascua.

Keep up doing great things!

More power and God bless sir!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAG-TEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com