Advertisers

Advertisers

Juday ‘di nominado kaya binoykot ang Urian?

0 263

Advertisers

ISA si Judy Ann Santos sa pinakaabalang actress sa ngayon.

Sa kabila ng pandemya ay blessed pa rin si Juday dahil may karaketan  siya.

May mga appearances din siya sa Eat Bulaga at sa sariling show ng mister na si Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy.



Dagdag pa ang commercials nilang pamilya kaya thankful si Juday sa Itaas na may bigay ng biyaya.

Pero sa kabila ng pagiging busy ni Juday sa kanyang career ay may mga pukol pa rin na intriga na binoykot nito ang Urian.

Pagtatanggol ng followers ni Juday paano naman daw dadalo ang Prime Superstar eh hindi naman siya nominated na kahit sa ibang bansa ay wagi ito.

Dedma  si Juday sa patuloy na nang-iintriga sa aktres kaya mismong ang kanyang mga tagahanga ang nagsabi na huwag na nga raw intrigahin pa si Juday sa ‘di nito pagdalo sa Urian at di nito pagkaka-nominate sa nasabing award giving body.

Sa parte ni Juday hindi naman daw big deal kung hindi man siya na-nominate sa Urian.



***

Tala challenge ni Sarah Geronimo, trending pa rin

WALA pa man ang Covid-19 pandemic sa bansa ay talaga namang humataw ang kanta ni Sarah Geronimo na Tala.

Kahit nga ngayong pandemya ay hataw pa rin sa socmed ang Tala Challenge ng Popstar.

Happy naman ang  esmi ni Matteo Guidicelli sa pagiging trending ng awiting Tala.

Matagal din humataw ang Tala at halos lahat na yata ng netizens ay ini-accept ang Tala challenge.

Hindi nga sukat akalain ni Sarah na kahit hanggang ngayon ay hataw-to-the-max ang hit song niya.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)