Advertisers
SA latest YouTube vlog ni Jak Roberto, special guest muli ang girlfriend na si Primetime Princess Barbie Forteza.
Habang nagluluto, nagkaroon ng mini Q&A ang dalawa at natanong ni Barbie kung ano ang pangarap na trabaho ni Jak kung hindi siya artista.
Sagot ng aktor, “Nung bata ako gusto ko maging pilot, kasi naa-amaze ako sa malalaking eroplano. Nung natuto naman ako magluto, kasi tinuturuan ako ng mommy ko, gusto ko maging chef kasi parang feeling ko may skills ako sa pagluluto. Pero nung nandito na ako sa industriya, minahal ko ‘yung trabaho, kumbaga gusto kong pagbutihan at i-develop pa ‘yung craft bilang isang aktor. Kaya ‘yung pangatlo kong choice, artista talaga.”
Para naman kay Barbie, “Gusto kong maging crime scene analyst. Mahilig kasi akong magbasa at manood ng movies na ganoon ‘yung theme. Mas nae-entertain ako dun kesa sa ibang genre. Pangalawa ginusto ko rin maging pastry chef, gusto ko matuto mag-bake. And last, gusto kong gumawa ng wine, magtayo ng winery.”
Samantala, naghahanda na ang cast at production team ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ kabilang na si Barbie para sa pagbabalik-taping ng serye sa ilalim ng new normal.
***
Benjamin Alves abala sa business ngayong quarantine
Isa ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves sa mga artistang nagsimula ng business ngayong quarantine.
Sa interview niya sa 24 Oras, naikuwento ng aktor ang online flower shop niyang ‘House of Roses’ na isa sa mga paraan niya para maging productive.
Aniya, “Kaysa mag-stay lang sa bahay nang walang ginagawa, saka I want to be productive. We found that there’s still a market for sending flowers or reaching out to people. We just want to send something to reach out to somebody. Hindi na natin magawa physically, so that where the concept came up.”
Naglalakihang Ecuadorian roses ang pride ng online flower shop niya, “We want to be known to have the best looking roses, the biggest roses.”
***
Rayver Cruz at Janine Gutierrez, masaya kahit magkalayo
Maraming couples ngayon ang napilitang mag-long distance relationship bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19 at isa na rito ang Kapuso couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.
Ibinahagi ni Rayver kung paano nila pinapanatiling matatag ang kanilang relasyon kahit pa malayo sa isa’t isa.
Aniya, “Mas sa Zoom kami ngayon at sa Facetime. Kailangan kasi safe pa rin ang lahat. Nung nag-GCQ mas nakakabisita na ako and ‘pag bumibisita siya sa mom niya sa BF nakakabisita rin ako.”
Paalala pa ng ‘All-Out Sundays’ star, “Ngayon kahit GCQ na ulit kailangan safety pa rin ng bawat isa ang unahin. Mas okay kasing napa-practice natin ‘yung social distancing kahit na espesyal ‘yung mga taong bibisitahin natin.”
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang fresh episodes na hatid ng paboritong musical-comedy-variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo, 12:45 PM, na mapapanood sa GMA-7 at official social media accounts ng GMA Network.
***
Marian at Dingdong kayang-kaya mag-shoot sa bahay
Kinaaliwan ng netizens ang biruan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung saan nag-post ang aktor ng behind the scene photo ng asawa sa kanyang Instagram account.
Sa caption ni Dingdong, “Pack up! Mejo may kagalingan itong talent ko today, ha! Parang pwede rin siyang mag-artista no? Whatchuthink?”
Game namang sinakyan ni Marian ang biro ng asawa at nag-comment pa ng, “Papaalam muna ako sa mga anak ko kung papayagan nila ako!”
Dahil limitado pa rin ang pagte-taping sa labas, madalas na nagco-collaborate ang mag-asawa sa iba’t ibang proyekto na kanila mismong kinukunan sa kanilang tahanan.
Samantala, tuloy na tuloy na ang paghahanda ng cast and crew ng Descendants of the Sun Pinoy adaptation sa kanilang pagbabalik-taping. Napapanood din si Dingdong sa infotainment show na ‘Amazing Earth’ tuwing Linggo, 5:25 PM, sa Kapuso Network. (BKC)