Advertisers

Advertisers

HILHEALTH CORRUPT OFFICIALS MAMAMAYAGPAG… PAG WALANG MAKUKULONG!

0 368

Advertisers

SANDAMAKMAK na mga ebidensiyang pangangamkam sa perang pinaghirapan ng mga manggagawang kasapi ng PHILHEALTH ang nakalap sa isinagawang pagdinig ng SENADO hinggil sa katiwalian ng mga opisyal sa naturang ahensiya ay magpapatuloy sa pamamayagpag ang mga ito partikular na sa tinaguriang PHILHEALTH MAFIA.., kapag walang mapapanagot o mapapakulong sa mga ito oras na masampahan sila ng kaso.

Sa lingguhang MEDIA FORUM ng BALITAAN SA MAYNILA VIA ZOOM na ang moderator ay ang mga batikang JOURNALIST na sina ANGELO PALMONES at DAVE VERIDIANO ay naihayag ng GUEST OFFICIAL na si SENATOR IMEE MARCOS na matagal na umanong namamayagpag ang mga CORRUPT OFFICIAL sa nasabing ahensiya.., subalit walang napapatawan ng parusa at sa halip ay nalalagay pa sa matataas na posisyon ang mga nasasangkot.

Aniya, panahon pa umano ni EX-PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ay talamak na ang mga pekeng pandaraya ng ilang mga PHILHEALTH OFFICIAL sa pamamagitan ng iba’t ibang huwad na programang pagkakagastusan o papopondohan.



Tulad na lamang umano sa isang maliit na pagamutan sa lalawigan nina SEN. IMEE MARCOS ay pinondohan ng PHILHEALTH ng multi milyong piso gayung ang pagamutan ay 10-bed patients lamang ang kasya sa lugar.

“Paanong gugugol ng ganong kalaking halaga e 10 pasyente lang ang kasya dun sa pagamutan e pinalalabas na marami ang ginamot para makakolekta sa PHILHEALTH.., yung mga inakusahan e na-promote pa sa position.. sakit sa ulo ang kurapsiyon sa PHILHEALTH. Yung insidente na tumagas ang tubig mula sa bubong e nitong nakaraang December lang nagawa yung opisina ng PHILHEALTH tapos e may butas na ang mga bubong at nabasa ng tubig-ulan ang mga kagamitan ng.PHILHEALTH?” pahayag ng napapailing na si SEN. IMEE, dahil kung kailan kasagsagan sa isinasagawang SENATE COMMITTEE HEARING ay magdududa ka nga naman dahil wala naman daw malakas na pag-ulan noong mga panahong iyon.

Sa naturang MEDIA FORUM VIA ZOOM ay naihayag din ni SEN. IMEE na ang ilan sa sistema ng PHILHEALTH sa kanilang rehiyon ay ang pagpapadeklara tulad na mayroon umanong epidemiya ng malaria gayong wala namang nagkasakit o dumaming nagkasakit ng malaria, na isang paraan daw para ang ospital ay makapaningil sa PHILHEALTH.., kung saan ay nagkaroon din ng mga pagsisiyasat pero yung mga responsable sa “raket” ay hindi rin nakasuhan at na-promote pa sa position.

Sa obserbasyon ng ARYA.., ang CORRUPTION sa PHILHEALTH ay simula pa noong termino ni EX-PRES. GLORIA na ang itinalaga nito bilang PHILHEALTH CHIEF ay si FRANCISCO DUQUE III at may mga programang inilunsad ito na naging kontrobersiya tulad ng ilegal na diversion ng P500 milyon OWWA MEDICARE FUNDS na ipinambili ng PHILHEALTH CARDS na may mukha ni GMA sa naging kandidatura noon sa pagkapresidente na ang matinding nakalaban nito ay ang yumaong si DA KING FERNANDO POE JR.

“In 2004, DOH Secretary Francisco Duque III was PhilHealth president when it illegally diverted P500 million in OWWA Medicare funds to buy PhilHealth cards bearing ex-President and then presidential candidate Gloria Macapagal-Arroyo’s picture with the acronym GMA (Greater Medical Access) and GMA Para sa Masa, Para sa Lahat,” pahayag ni SENATOR LACSON sa mga MEDIA na noong panahong iyon ay kandidato rin siya sa pagiging PHILIPPINE PRESIDENT.



Naipunto rin ni SEN. LACSON na si DUQUE ay overstayIng na sa DOH at PHILHEALTH.., dahil itong si DUQUE ang kasalukuyang HEALTH SECRETARY at siya rin ang kasalukuyang PHILHEALTH BOARD CHAIRMAN.., hehehe manipulado ang 2 ahensiya?

Ayon nga kay PHILIPPINE RED CROSS (PRC) CHAIRMAN/ SENATOR RICHARD GORDON ay matibay ang mga ebidensiyang nakalap ng kaniyang komite laban sa mga opisyal ng PHILHEALTH MAFIA, na kung walang makukulong sa mga ito o malulusutan nila ang mga kasong isasampa sa mga inaakusahan ay talagang bulok na umano ang sistema ng ating gobyerno.

Bagaman ipinagtatanggol ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE si HEALTH SECRETARY DUQUE III sa pagsasabing pinagkakatiwalaan pa rin niya ito ay kumbinsido naman si SEN. IMEE MARCOS na may ebidensiyang nag-uugnay kay SEC. DUQUE sa umano’y iregularidad sa PHILHEALTH kaya dapat din itong kasuhan at si SEN. LACSON naman ay ipinunto nito na nag-resign man sa posisyon si RET. GENERAL RICARDO MORALES sa pagiging PHILHEALTH CHIEF ay kabilang pa rin ito sa mga opisyal na kakasuhan hinggil sa isyu ng kurapsiyon.

Kung matitibay ang mga ebidensiya laban sa lahat ng mga aakusahan ay dapat hindi na lalagpas pa ng isang taon ang paglilitis at mahatulan na ang mga ito para matigil ang ilegal na sistema.., na huwag sanang matulad sa mga dating pagsasampa ng kaso ay ‘natulog’ lamang ang mga isinampang kaso…, dapat malaman din ng kinauukulan at ng sambayanan kung sino ang mga ‘binayaran’ sa OMBUDSMAN o sa KORTE dahil hindi ipinausad ang mga pagdinig.., ika nga e sino-sino ang kakutsaba ng PHILHEALTH MAFIA mula sa mga nabanggit na ahensiya kaya hindi nahatulan ang mga ito at nakakapagpasasa pa rin hanggang ngayon ang mga ito sa kanilang ilegal na operandi!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.