Advertisers

Advertisers

Covid update: 165 gumaling; 38 nasawi; 3,446 new cases

0 243

Advertisers

UMABOT na sa 220,819 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,446 mga bagong kaso virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,900 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 163 new cases, Cavite na may 161 new cases, Leyte na may 155 new cases at Pampanga na may 116 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 165 na bagong gumaling mula sa covid-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 157,562 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 38 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 31 ay ngayong Agosto, 4 noong Hulyo, at 3 noong Hunyo.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,558 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 23 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)