Advertisers
NAGBIGTI ang isang binata matapos umanong multuhin ng kanyang matalik na kaibigan sa Boracay.
Kinilala ang biktima na si Arnel Taneo, 19, residente ng Sitio Hagdan, Bgy. Yapak, Boracay.
Sa report, 5:30 ng hapon nitong Linggo nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti na sa kanyang silid gamit ang lubid.
Ayon sa tiyahin na si Aira Menciano, bago ang insidente nagsabi sa kanya ang pamangkin na gusto nitong magpakamatay dahil tinatawag umano siya ng kaibigan na unang nagpakamatay noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Menciano na hindi niya pinansin ang sinabi ng pamangkin sa pag-aakalang nagbibiro lamang ang binata kaya umalis siya ng bahay.
Pagbalik niya ng bandang hapon, nakita ni Menciano na nakabukas ang pinto ng kuwarto ng biktima at tumambad sa kanya na nakabigti na ito.
Sa datos, ito ang ikatlong kaso ng pagpapakamatay sa Isla ng Boracay sa loob lamang ng isang linggo.(PTF team)