Advertisers

Advertisers

Auto electrician, kinatay ng matansero

0 233

Advertisers

PATAY ang isang auto electrician nang ataduhin ng saksak ng matansero sa Malabon City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Wilfredo Lasin, 58, residente ng 40 Javier II, Barangay Baritan.
Naaresto naman ang salarin na si Jerwin Lorenzo, 33, butcher ng Luna II St., Brgy. San Agustin, at narekober ang ginamit na patalim.
Sa ulat, 8:50 ng gabi, nakaupo ang biktima sa Luna II St. nang dumating ang salarin na armado ng kutsilyo at inatake ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang una.
Sa report, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng salarin sa pagpatay. (Beth Samson)