Advertisers
NALIBING ang apat na treasure hunters sa gumuhong tunnel sa Santo Tomas, Davao del Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Kyle Castañares, Jeric Marquez, Dindo Cañares at Rustom Rancho.
Sa ulat, naganap ang insidente nitong Linggo, Agosto 30, kungsaan nahirapan ang rescuers sa 60-foot-deep tunnel.
Ayon sa awtoridad, mayroong mga senyales na buhay pa ang apat sa ilalim.
Sa ngayon, wala pang karagdagang ulat ang inilalabas kaugnay sa insidente ang mga otoridad. (Ace Ramales)