Advertisers

Advertisers

VP SLEEPING WITH THE ENEMY!/SPORTS AT IATF

0 315

Advertisers

DISMAYADO pero mas lamang ang awang nararamdaman ng korner na ito sa mga latest na kabalbalang ginagawa ng BISE presidente na sa halip na kapakanan ng Pilipino ang inaatupag ay pagiging ATAT nitong mapuwesto sa pinakamataas na kapangyarihan ng wala sa panahon at suntok sa buwan ang pinagkaka-abalahan.

Okey na sana kahit hinokus-pikos ang pag-upo nya bilang BISE basta siya ay maglingkod lang sa bayan ayon sa kanyang sinumpaan pero di pa uminit ang WETPAKS nito ay naging BUSY na siya sa paninira sa Pangulo ng bansa kaakibat pa ang panalanging matigok na ito sa udyok ng mga kakamping talangka na nais ibalik ang kasakimang pamamahala upang muling magkamal ng yaman ni Juan kakomplut ang mga oligarkong dilawan, pulahan at ang simbahan na puro pahirap lang sa bayan at sila -sila lang ang manatiling mayayaman.

Okey sana ang direksyon ng political career nito kung nagdesisyon siyang makiisa at tumulong sa administrasyon na halos may 90% satisfaction rate ng Pilipino para sa tunay na pagbabago.



Pero nauto siya sa bulong ng mga ‘TANING na kakampi kuno na ‘kelangan bilang BISE ay papel niya ang laging salungat sa desisyon ng Pangulo’ kahit tama at para sa kapakanan ng bayan. Lagi siyang inuulot ng mga disgraced opposition na siraan ang nasa Malacañang para pag nagtagumpay sila sa iniisip na namang people’s initiative ay babagsak uli ang gobyerno at siya ang iluluklok sa Palasyo na akala niya ay totoong mangyayari sa ipinagmamalaking 3% lang ang power at naniniwala sa kanilang pantasya.

MAUNTOG sana ito na ginagamit lang siyang PAMBALA para sa kinasusuklaman nila sa Malacañang kaya kahit na mga nakapwesto nang Senador at Kongresista ay wala nang nagawang paglilingkod kundi puro angil at pintas sa gobyernong kinabi-bilangan naman nila. Di alam ni VP daw na ginagamit lang siya ng mga SALOT pero sa totoo lang ay hinding-hindi nila pauupuin ito pag nangyari ang panaginip na magiging bangungot ke BISE (sa totoo lang ay di naman siya ang sinuportahan ng partido ‘taning noong 2016).

Alam ba niyang matagal na siyang natutulog sa kutson ng mga kaaway na may kagagawan sa pagkatodas nang sumisikat na noon at banta na sa kanilang tahak na asawa ni BIPILINI? Kasaysayan na ang magpapatunay niyan.

Di ba naririmarim si BISE sa panalangin mismo ng simbahan na sana ay lumala ang sakit ng Presidente at tuluyan nang pumanaw? Di niya ito dapat ikatuwa na siya ang papalit thru succession dahil kapag nangyari iyon ay sisiklab ang gulo na ayaw sanang mangyari ng mayoryang Pilipino.

Dapat ay natuto na siya sa panggagamit ng mga KAKAMPING KAAWAY.



Tingnan lang niya ang ginawa nila sa madaldal na Senadora noon na nakakulong ngayon dahil umano sa droga. Inulot, inudyukan, inuto na siya ay isang babaeng matapang pa sa TIGRE kontra sa Presidente pero ang nangyari ay rehas ang kanyang hinihimas na naging kanyang DILEMMA samantalang ang mga nag-udyok at nang-uto sa kanya ay malayang kumukuyakoy lang habang nabaling kay BISILINI ang kanilang atensiyong gawing BALA vs administrasyon.

Inuuto pa siyang magkaroon ng sariling SONA para mapraktis na ang pagiging Presidente raw nito pero naging katawa-tawa ito at sa batas ay naging IGNORANTE. Huwag niyang isiping super sikat na siya dahil bawat kanyang galaw ay kinokober ng biased media.

May panahon ka pa BISILINI para isalba ang iyong dangal bilang lingkod-bayan at hindi ng iilan.

Masama ang magdasal na may mamatay kahit na sino.

Kung may sariling talino, huwag papauto o papaudyok sa mga COUP’al na hitik sa VIRUS at mapa-PRANK ni KIKomatsing na LAGMAndarambong ZAARTE ng mga kampon ng demonyo na naka-anyong BANAL na tao pero ab’noy at nakamaskarang pulitiko. ‘Wag maging BISEATAT. Do not sleep with the enemy MISBISILINI!

LOWCUT: Sa pagluwag ng community quarantine ay dapat nang pahintulutan ng IATF ang mga aktibidades sa larangan ng sports basta susunod lang sa health protocol. Marami ng bilang ng mamamayan ang umaasa sa larangan di lamang libangan at pampalakasan kundi sa aspeto ng kabuhayan. GO Sports go!

Milwaukee Bucks na durugin ang Orlando Magic 118-104 at maabot ang Eastern Conference semifinals kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.

Kasunod ito ng pagbabalik-aksyon ng NBA kahapon matapos ang tatlong araw na protesta na sinimulan ng Bucks nang tumanggi itong maglaro nitong nakalipas na linggo.

Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang saloobin sa naganap na pagpatay sa Black American na si Jacob Blake sa kamay ng mga pulis sa Wisconsin.

Umasiste rin si Khris Middleton na nagdagdag ng 21 points at 10 boards para sa Milwaukee.

Bunsod ng panalo, nadispatsa ng Milwaukee ang Orlando sa loob ng limang laro at susunod naman nilang makakasagupa ang Miami Heat.