Advertisers

Advertisers

Pre-pandemic normal posibleng maranasan na sa susunod na taon

0 268

Advertisers

Binigyan-diin ng UP-OCTA research team na posibleng maranasan na ng mga Pilipino ang bumalik sa pre-pandemic normal pagsapit ng Enero sa susunod na taon.
Ito ang ipinahiwatig ng UP-OCTA research team kasunod na rin ng magandang balitang unti-unti nang naaabot ang flattening of the curve o ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Prof. Guido David ng University of the Philippines (UP-OCTA) research team, bagama’t unti-unti nang lumuluwag ang ipinapairal na community quarantine sa bansa kaakibat naman nito ang pananagutan ng bawat isa na sundin ang minimum health standards para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sinabi pa ni Prof. David, dapat munang manatili sa general community quarantine o GCQ ang Metro Manila at ang mga karatig lalawigan nito lalo’t puno pa rin ang mga pagamutan dahil sa COVID-19 patients.
“Naiintidihan ko naman na naiinip na yung mga tao, kunting pasensya na lang natin. Actually, mapagsunod naman yung mga Pilipino at kaya din natin yung disiplina na ganyan, nakita natin sa Cebu, nagkaroon ng surge dun pero ngayon GCQ na sila, mababa na rin so, parang na-realize ng mga tao sa Cebu na kailangan talaga gawin to para hindi na sila bumalik sa mas strict na quarantine,” ani David. (Josephine Patricio)