Advertisers
ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang kilabot na kidnap-for-ransom group member at no.1 most wanted person sa Misamis Occidental sa ikinasang operasyon sa Kibawe, Bukidnon nitong Sabado, August 29, 2020.
Kinilala ni PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo ang nadakip na si Ryan James Sebellano alias Jimboy na nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa isang Rolando Suson nuong 2010.
Itinuring si Sebellano na Top 1 most wanted Person, at prime suspek sa pagdukot kay Shenny Sy Ang sa Cavite ng kasalukuyang taon.
Sangkot din ang suspek sa Robbery Extortion activities, Gun for Hire, Drug Trafficking at Kidnap for Ransom.
Sa ulat, nanirahan si Sebellano sa Maramag, Bukidnon kungsaan duon nakapag-asawa at nagta-trabaho bilang construction worker.
Taon 2019, nakatakas sa joint operations ng PNP si Sebellano.
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation si Sebellano sa AKG Iligan Sattelite Office. (Mark Obleada)