Advertisers
Binawi na ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang kanyang rekomendasyon na isailalim ang Sulu sa Martial Law matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo kamakailan na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 75.
Ayon kay Sobejana, ang pagbawi niya sa kanyang mungkahi ay dahil iginagalang nito ang sentimyento ng publiko.
Ayon pa kay Sobejana na may mga iba namang option upang mapigilan ang anumang pagsabog sa Sulu.
Nilinaw ni Sobejana na nagawa lamang niyang irekomenda ito dahil sa unang naging epektibo ang implementasyon ng Batas Militar sa buong Mindanao lalo na sa Sulu kung saan napigilan ang anumang mga planong pagsabog.
Dagdag pa ni Sobejana sa panahon ng batas militar ay naging 3 na lamang ang kidnap victims mula sa 54. Marami na rin mga Abu Sayyaf leaders ang na-neutralize at mahigit 100 bandido ang sumuko sa pamahalaan.
Nangako si Sobejana sa mga Suluanos na palalakasin pa rin nila ang kanilang security operations para sila ay maprotektahan sa mga masasamang plano ng teroristang Abu Sayyaf. (Josephine Patricio)