Advertisers

Advertisers

5 huli sa bentahan ng shabu sa sementeryo

0 261

Advertisers

HULI ang lima katao na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Manila North Cemetery sa operasyon ng Manila Police Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Miguel De Guzman alyas “Mico”, 29, ng 1283 Int. 23 Tambunting St., Sta.Cruz; at Romelyn Somo alyas “Danica”, 25, ng 2852 M. Hizon St., Sta. Cruz; Anna May Zapata, 37, ng 45 Tagaytay St., Caloocan City; Rebecca Payumo, 56, ng Tagaytay St.; at Veronica Sarmiento, alyas “Aiko”, 43, ng 2852 M.Hizon St..
Sa ulat, 11:40 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay sa 29th St., sa loob ng sementeryo.
Nasamsam ng mga operatiba ang ang 7 sachet ng shabu na tumitimbang sa 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.00.(Andi Garcia)