Advertisers

Advertisers

2 students huli sa curfew, nakuhanan ng ‘damo’ sa BGC

1 280

Advertisers

ARESTADO ang dalawang estudyante sa paglabag sa curfew hours at nakuhanan pa ang mga ito ng marijuana sa BGC, Taguig City nitong Biyernes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Segundo Saluria III, 20, binata; at Vince Gappi, 21, binata, at kapwa residente ng Barangay Fort Bonifacio, Taguig City,
Sa ulat, nasita ang dalawang estudyante ng mga otoridad na nagpapatrolya sa 11:05 ng gabi sa bahagi ng Metro Market, Open Parking, BGC nang mahuli ang 2 estudyante dahil sa paglabag sa curfew.
Ayon sa ulat, habang sinisiyasat ang dalawa, nakuhanan ang mga ito ng 2 transparent plastic zip lock na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana (kush) na tumitimbang ng halos 7.4 gramo na nagkakahalaga ng P8,880.00. (Gaynor Bonilla)