Advertisers

Advertisers

2 ‘KILLERS’ NG BOARD MEMBER SA LAGUNA ARESTADO!

0 230

Advertisers

LAGUNA – Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Regional Intelligence Division/Intelligence Unit (RID-RIU4A) at San Pablo City PNP ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay kay Laguna 3rd District Board Member Dany Yang, Sabado ng umaga.
Ayon sa ulat ni Laguna Provincial Director Col. Serafin Petalio II kay PRO-4A Calabarzon Director BGen. Vicente Danao Jr., nakilala angmga nadakip na sina Pelagio Masongsong alias “Malayot/Layot” ng Bgy. Bautista; at kaanak nitong si Angel Masongsong ng Bgy. San Bartolome ng lungsod na ito.
Magkasunod na naaresto ng mga operatiba ang dalawa sa pamumuno ni PIU Chief, Maj. Ryan Jay Orapa, pasado 10:00 ng umaga sa ikinasang “Oplan Manhunt Charlie” bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Amy Melba S. Belulia, RTC Br 30 San Pablo City kaugnay ng kinakaharap na kasong 3 counts Murder.
Matatandaang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong suspek si Yang noong Hunyo 24, 2009, kabilang ang dalawa pa nitong bodyguard. Nakapagtago sa batas ng mahigit 11 taon ang mga salarin.
Isa pang kasamahan ng mga nadakip na si Jerry Araneta alias “Jepoy” ang hinahanting ngayon ng mga operatiba.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa San Pablo City PNP Lock Up Cell. (Dick Garay)