Advertisers

Advertisers

Viral: Sex scandal ng SK chairwoman, ipinakalat ng ex-dyowa

0 7,098

Advertisers

Pinagpipiyestahan sa social media ang kumakalat na sex scandal ng isang Sangguniang Kabataan chairwoman sa isang barangay sa lalawigan ng Capiz.
Sa report, hinati pa ang video sa pitong bahagi at ini-upload sa Facebook kung saan maraming netizens na ang nakakita na ipinagkalat ng kanyang ex-boyfriend.
Ayon sa ulat, nagalit ang ex-boyfriend ng SK chairwoman (hindi na pinangalanan) nang iningganyo ito ng biktima na mag-invest ng pera kung saan umaabot ito sa P71,000.
Ngunit hindi inaasahan na naloko sila ng naturang investment scam na pagmamay-ari pala noon ng isang Korean national na si Kim Taehyung.
Dahil dito, nagulat na lamang ang biktima matapos na maghiwalay sila ng ex-boyfriend nito at ipinagkalat ang naturang sex video.(PTF team)