Advertisers
Tuloy tuloy ang pananalasa ni PH bet Jasper Concepcion Faeldonia matapos makamit ang 12 major awards matapos ang pitong araw kaakibat ang 27 major awards sa nakalipas na tatlong linggo.
Ang kanyang latest victory matapos magkampeon sa 10th I Love Chess PH GP online chess tournament nitong Huwebes sa pagtulak ng 8 points sa lichess.org. Ang15 years old Faeldonia, grade 10 student ng Arellano University ay naghari din sa Nice G60 Happy Birthday Sir Aldrin nitong Miyerkoles at ang runner-up salikod ni eventual champion Michael Metrio sa 10th I Love Chess PH GP nitong Miyerkoles.
Ating magugunita nag mark sa chess world si Jasper matapos ang co-champion sa Singapore National Age Group Chess Championships dalawnag taon na ang nakakalipas.
Bida din ang kanyang ama na si engineer Ernie Fetisan Faeldonia, na nagkampeon naman sa Gaprindashvili Arena nitong Biyernes na may tallying 22 points.
Habang ang nakababatang kapatid na si Jerrick Concepcion Faeldonia, 10 years old at grade 5 pupil ng Legarda Elementary School ang naghablot ng second place na may 18 points na sinundan naman ng 3rd placer na si Arena Grandmaster at National Master Marlon Bernardino na may 12 points. (Marlon Bernardino)