Advertisers
Dalawang dorobong Pinoy ang umano’y dumayo pa sa bansang Kuwait upang doon maghasik ng lagim at perwisyo sa mga kapwa natin kababayang OFWs na kumakayod sa nasabing bansa.
Sa sumbong na nakarating sa inyong lingkod, kinilala ang dalawang salot na mga Pinoy na sina Mohammad Batungbakal alyas JIMBOY at Arsenio Petalan alyas ARCI.
Ang dalawa umanong ito ang responsable sa pamemeke ng mga importanteng dokumento ng ating mga kababayang OFWs sa Kuwait kasapakat ang isa pang Pinoy na nagngangalang JOJO na may kontak naman sa loob ng Labor Ministry ng Kuwait.
Ang buong akala natin ay dito lang sa Pilipinas may mga ganoong diskarte ng pamemeke ng gaya ng Recto pero meron na rin pala sa Kuwait na talagang dumayo pa doon.
Ang masakit, mga kapwa Pinoy nating mga OFWs ang dinadale.
Marami sa mga kababayan natin sa nasabing bansa ang nabiktima na nina Jimboy at Arci.
Ang modus, igagawa ng dalawang kupal na ito ng mga pekeng dokumento gaya ng working permits, marriage contract at driver’s licence ang mga OFWs natin sa Kuwait para magamit sa patuloy na pagta~trabaho ng mga ito sa naturang bansa.
Ang siste, lingid sa kaalaman ng mga biktima, sina JIMBOY at ARCI, ang nagngunguso o nagsusumbong sa Kuwaiti authorities para masakote ang mga kababayan nating OFWs.
Kina jimboy din umano lumalapit ang mga biktima para humingi ng tulong.
A clear case ito na ginigisa sa sariling mantika ang mga kaawa awa nating OFWs.
Umaabot mula 200 hanggang 600 KD (Kuwait Dinar) ang nadudugas sa mga biktima ng mga ulol na sina JIMBOY at ARCI sa tulong na rin ni alyas JOJO at kasapakat nito sa Labor Ministry ng Kuwait, isang scam ito na patuloy na nakakapangyari sa nasabing bansa.
Marami pa umano sa ating mga kababayan sa Kuwait ang patuloy na kumakapit sa patalim para huwag lamang mapa~deport pabalik ng Pinas. maging sina Jimboy umano at Arci ay overstaying na rin sa Kuwait at pawang mga peke ang mga dokumentong kanilang ginagamit.
May embahada umano ang Pilipinas sa Kuwait ngunit kataka~takang tila kinukunsinti ang mga ito ng mismong mga opisyal ng Philippine Embassy sa Kuwait.
Humihingi ng tulong ang mga biktima sa DOLE at OWWA para maimbestigahan ang kalokohang ito.
Maawa naman tayo sa mga kababayang nating OFWs na tinatarantado ng grupong ito.
May kasunod… ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com