Advertisers
ARESTADO ang isang miyembro ng “Balong Drug Group” at nakuha rito ang mahigit P689,000 ng iligal na droga nang silbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SmaRT) sa kasong iligal na droga, sa parking lot ng Urban Deca Homes, sa Vitas, Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi (Agosto 28).
Kinilala ang suspek na si Joel Bansil y Montero, 35, residente ng Unit 709 Urban Deca Homes, Vitas, Tondo; top 9 drug personality ng Manila Police District-Station 7 at may subject din sa case perational plan ng MPD-District Intelligence Division- District Police Intelligence Operation Unit.
Sa ulat ni P/Major Rosalino Ibay, hepe ng SmaRT, 6:00 ng gabi nang madakip si Bansil sakay ng NMAX Honda motorcycle na may temporary plate 1301-1266278 nang isinilbi sa kaniya ang warrant of arrest na inisyu ni judge Bibiano g. Colasito ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 50 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ayon sa report, nang kapkapan si Bansil nakuha rito ang nakaplastik na shabu na may katumbas na halagang P689, 520.00.
Inihahanda na ang karagdagang kasong ipapataw sa suspek na paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act 0f 2002. (Andi Garcia)