Advertisers
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang negosyante matapos ang isinagawang sekswal na pang-aabuso niya sa menor de edad na lalaki sa Eagle Crest, Phase 3, Bakakeng Norte, Baguio City.
Ayon sa ulat, nasa iisang bubong ang hindi muna pinangalanang negosyante at ang menor de edad na biktima. At hinikayat ng negosyante ang biktima na tumira sa tahanan nito sa Bakakeng Norte sa Baguio City upang pag-aralin.
Sa report, mahigit isang buwan nang inaabuso ng negosyante ang menor de edad.
Base sa reklamo ng biktima, nagsimula ang pag-abuso ng negosyante sa kanya noong Hunyo 8 hanggang Agosto 8 ng taon kasalukuyan.
Inamin ng biktima na natakot siya sa negosyante, dahilan para hindi niya agad i-report ang nasabing insidente.
Kinasuhan na ang negosyante ng rape at paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.(PTF team)