Advertisers
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ng mahigit P100 million halaga ng smuggled cigarettes sa Port of Subic.
Sa inilabas na statement, inihayag ng BOC na na-intercept ng mga operatiba customs sa Subic port ang 4×40 containers ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P121 million.
Ayon sa BOC, dumating sa Port of Subic ang mga 4×40 containers noong Agosto 22 mula China at Hong Kong kung saan idineklara itong naglalaman ng frozen cinnamon bread, frozen pineapple pocket bread, snake and ladder board games, dominos board games at rubber strips pero natuklasang naglalaman ng iba’t ibang cigarette brands.(Jocelyn Domenden)