Advertisers
Malaki ang posibilidad na magtagal pa umano ang paglalagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Hometown sa Davao City.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing kahapon.
Ayon pa kay Roque mas ligtas ang Pangulo kung mananatili ito sa Davao City kung saan mas kumportable itong makapagtrabaho roon lalo na’t napasok na ng COVID-19 ang Malacañang.
Napag-alaman na noong isang Linggo pa sana bumalik sa Metro Manila ang Pangulo ngunit hindi ito natuloy sa hindi alam na dahilan.(Josephine Patricio)