Advertisers

Advertisers

Deklarasyon ng Martial Law, huling opsyon ng Duterte admin – Sen. Go

0 218

Advertisers

“Last option na ang Martial Law.”

Ito ang reaksyon ni Senador Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga nagsusulong ng Batas Militar sa Sulu makaraan ang magkasunod na pagsabog sa bayan ng Jolo na ikinamatay ng ilang sundalo, pulis at sibilyan habang marami din ang nasugatang inosente.

Sinabi ni Go na kung kaya naman ng Anti-Terror Law na sugpuin o makatulong sa pagsugpo ng terorismo sa lugar ay hindi na kailangan aniya ang Martial law.



Nilinaw ni Go na kung kinakailangan talaga ng batas militar ay susuportahan niya ito bilang kasama ang senado sa mag-aapruba nito.

Kinumpirma ni Go na balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Jolo para makiramay sa pamilya ng mga namatay sa pag-atake para mapalakas din ang morale ng mga ito gayundin ang mga nasugatan.

Dagdag ni Go, tuloy-tuloy ang giyera laban sa mga terorista sa Sulu kaya kailangang maipakita sa mga tropa ng pamahalaan na mayroon silang gobyerno na sumusuporta sa kanila. (Mylene Alfonso)