Advertisers

Advertisers

COVID19 therapeutic drugs, pinababantayan ang bentahan sa merkado

0 251

Advertisers

Pinababantayan ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang presyo ng mga therapeutic drugs para sa COVID-19.
Bukod dito, dapat na rin aniyang aksyunan ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na mapababa ang presyo ng mga gamot na inirereseta ng mga doctor sa mga pasyenteng nagpapagaling mula sa sakit .
Pagsisiwalat ng mambabatas, tumaas ng 12 beses ang presyo ng mga therapeutic drugs para sa COVID-19 kung saan ang isa sa mga gamot ay umabot pa ng P60,000 ang halaga.
Kabilang aniya sa mga gamot na inirereseta ng mga doctor sa kanilang mga COVID-19 patients ay remdesivir, hydroxy-chloroquine, dexa-methasone, at ivermectin.
Pero kung mananatiling mahal ang presyo nito ay hindi naman ito kakayaning bilhin ng mga mahihirap na pasyente.
Kung maibababa rin anita ang presyo ng mga gamot sa COVID-19 ay mapapangalagaan ang pondo ng PhilHealth na siyang sumasalo sa gamutan at pagpapaospital ng mga pasyente. (Henry Padilla)