Advertisers
Umabot na sa 213,131 ang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa base sa case bulletin number 168 ng Department of Health nitong Sabado, August 29.
Kasunod ito ng 3,637 na karagdagang bagong kaso na isa na namang mataas na bilang ng mga kasong naitala sa isang araw.
Sa nasabing bilang ng bagong kaso, 3,063 ang naitala sa nagdaang dalawang Linggo kung saan ang NCR ay mayroong 1,648 habang ang Region 4A ay 560 at 222 naman sa Region 3.
Nakapagtala rin ng 94 COVID deaths sanhi upang maging 3,419 na ang kabuuang namamatay dulot ng virus.
Sa NCR, nakapagtala ng 1,648 deaths; 560 sa Region 4A; at 222 sa Region 3.
Mula sa 94 deaths, 84 ang nangyari ngayong Agosto; 12 noong Hulyo; at isa noong Hunyo.
Mayroon namang 50 duplicates na kailangang alisin sa total case counts.
Sa nasabing bilang, 16 ang recovered cases na inalis bukod pa sa 12 kaso na iniulat na nakarekober ngunit nalaman na siyam ang namatay at tatlo ang aktibong kaso. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)