Advertisers
Umayon ang Commission on Higher Education sa paalala ng Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health na nag-isyu ng ‘Joint Administrative Order (JAO) on the conduct of physical activities and sports’sa idinaos na virtual meeting kamakalawa kaugnay ng diumano’y practice ng ibang universities na di sumunod sa nararapat na alituntunin.
Binanggit ni CHED Chairman Prospero De Vera III na ang kanilang ahensiya na nangangasiwa sa tertiary education ng bansa, ay nagpalaas ng mga advisories at guidelines mula pa noong Marso na paalala sa mga estudyante na manatili.lang sa tahanan na alinsunod din sa guidelines na inisyu ng IATF at ng tri-agency-issued JAO. “Safety of our students is the topmost concern,” saad ni De Vera.
Ito ay tumutugma din sa statement at paninindigan ni PSC Chairman Butch Ramirez para sa kapakanan ng mga student athletes pati na ang panawagan sa mga sports officials na siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga atleta.”Important that no medal can ever equal” ani Ramirez.
Ang mga naturang statement ay bunsod ng mga nagsilabasang umano ay paglabag ng ilang institution sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) sa ipinapatupad ng JAO at IATF at kasalukuyang iniimbestigahan na ng kinauukulan sa naturang asosasyong pampamantasan. Nasa virtual meeting din sina CHED Executive Directory Atty. Cindy Jaro and DOH Section Head of Policy and Technology Rodley Carza at kinatawan ng GAB. (DANNY SIMON)