Advertisers

Advertisers

8 Katao patay sa ambush sa Cotabato

0 312

Advertisers

PATAY ang walong katao sa pananambang ng mga armadong grupo nitong tanghali ng Sabado sa probinsya ng Cotabato.
Sa report ng Philippine National Police, sakay umano ng mga motorsiklo ang mga biktima 12:00 ng tanghali nitong Sabado at papunta sa direksyon ng Barangay Aringay sa bayan.
Ayon sa ulat, hinarang umano ang mga biktima ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki malapit sa USM-granary and machinery.
Nang bumaba ang mga biktima mula sa kanilang mga motorsiklo, pinagbabaril na ang mga ito gamit ang pinaniniwalaang high-powered firearms base na rin sa mga narekober na cartridge sa lugar.
Dead on the spot ang 8 biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang isa pang biktima na sugatan agad dinala sa ospital.
Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na sa ngayon inaalam pa nila ang pagkakilanlan ng mga nasawi sa pananambang.
Nag-imbestiga na rin ang Kabacan PNP katuwang ang tropa ng militar sa madugong pamamaril sa mga biktima.(PTF team)