Sa ilalim ng Bayanihan 2: Loans, ammortization sa bangko at pawnshop, Pag-ibig para sa Setyembre, puwedeng bayaran sa Nov. – BSP
Advertisers
Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na binigyan ng 60 araw moratorium sa mga pagkakautang sa mga bangko, sanglaan at iba pang lending institution gaya ng SSS, GSIS at Pag-ibig sa Setyembre ay puwedeng bayaran o simulang bayaran sa Nobyembre.
Ito ay nakasaad sa isang probisyon sa Bayanihan 2 upang mapagaan ang pasanin ng mga apektado sa COVID-19.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, inaasahang anumang araw ay malalagdaan na ng Pangulo ang panukalang batas at magiging epektibo pagkalagda kaya sa Setyembre na ito epektibo.
Nilinaw ni Diokno, saklaw din ng moratorium maging ang amortisasyon sa mga sasakyan at bahay na idinaan sa bangko.
Nagbabala si Diokno sa mga bangko at pawnshop na maari silang kasuhan kung hindi susunod sa naturang probisyong nakasaad sa Bayanihan 2. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)