Advertisers
PATAY ang isang preso na may kasong alarm scandal makaraangang-agaw ng baril ng jail guard, habang sugatan ang 2 pulis sa Mandaluyong City.
Kinilala ni P/Col. Hector Grijaldo, hepe ng Mandaluyong PNP ang napatay na preso na si Emerson Bernaldez, na may kasong alarm scandal at sugatan ang 2 pulis na sina Police Corporal Shane Toyaden Mabagtad at Police Corporalichelle Unating de Jesus.
Sa ulat, 4:30 ng umaga, nilabas ng city jail ng lungsod ang suspek para magtungo sa comfort room ng bigla nitong agawin ang baril ng policewoman.
Dito na nagkaroon ng komusyon, agad nagrespondi ang 2 pulis at dito na nagkapalitan ng putok sa pagitan ng suspek at tauhan ng Mandaluyon PNP.
Tinamaan ang 2 pulis sa kamay at katawan habang tumalon naman si Bernaldez sa ikalawang palapag jail na ikinamatay nito.
Ayon kay Col. Grijaldo, ilang araw pa lang na nakapiit si Bernaldez ngunit nakitaan na ito ng pagkabalisa bago ang pang-aagaw ng baril. (Edwin Moreno/Gaynor Bonilla)