Advertisers
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P15.7 million sa Bocaue, Bulacan.
Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng ESS-QRT at Bocaue PNP sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni BoC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa naturang bodega noong August 25, 2020.
Sa report, nakumpiska ang 246 master cases na mga pinaghihinalaang smuggled at counterfeit na sigarilyo na may halagang P15.7 million.
Kabilang sa mga nakumpiska ang Marlboro, Astro, D&B, Two Moon at Union cigarettes.(Jocelyn Domenden/James de Jesus)