Advertisers

Advertisers

Panukala na itaas ang edad para sa statutory rape, aprub na

0 241

Advertisers

Inaprubahan ng House Committees on Revision of Laws at Welfare of Children ang substitute bill na layong itaas ang edad para sa statutory rape.
Mula sa kasalukuyang 12 taong gulang ang edad para sa statutory rape ay itinaas na ito sa 16 na taong gulang, anuman ang sexual orientation ng mismong offender o ng biktima.
Ibig sabihin ang sinumang nakatatanda o adult na makikipagtalik sa isang 16 anim na taong gulang pababa ay mahaharap sa kasong rape kahit pa may pahintulot ng menor de edad ang nasabing sexual act.
Sa pamamagitan nito ay mapaiigting na ang proteksyon sa mga kabataan laban sa sexual exploitation at sexual abuse.
Oras na simulan nang litisin ng hukuman ang kaso ay hindi na papayagan ang pag-atras sa kaso gayundin ang pagkakaroon ng kasunduan o settlement sa pagitan ng magkabilang panig.
Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang ipapataw na parusa sa mga lalabag sa oras na ito ay maging ganap na batas.
Nakapaloob din sa panukala ang pagtuturo at pagmulat sa mga tahanan, paaralan at komunidad ng mga kinakailangang pagiingat upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pangaabuso sa mga kabataan. (Henry Padilla)