Advertisers
Umabot na sa P31 milyon na cash benefit ang natanggap ng pamilya ng mga nasawing health workers dahil sa covid-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Ma. Rosario Vergeire, natanggap na ng mga kaanak ng mga nasawing health workers ang tig- iisang milyon na death claim.
Ito ay alinsunod sa Bayanihan Law kung saan pagkakalooban ng P1 milyon ang bawat health care worker na masasawi sa covid-19 habang P100,000 naman sa mga tatamaan ng severe at critical covid-19.
Dagdag pa ni Vergeire, may ilan pang evaluation na isinasagawa ang DOH para maproseso ang claims ng iba pang health workers na nasawi sa covid-19.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng DOH ang paggamit sa saliva test bilang covid test.
“As soon as RITM have initial results of this study, we will be sharing it to everybody because this is something worth pursuing kung makakatulong talaga at makita natin na acceptable at feasible para dito sa ating strategy for testing here in the country,” ani Vergeire. (Jonah Mallari)