Advertisers

Advertisers

Kris hinangaan sa patuloy na pasahod sa mga empleyado

Kahit sarado ang resto...

0 241

Advertisers

BUMILIB ang netizens kay Kris Bernal sa ginawa nitong pagpapasahod sa kanyang mga empleyado.

Tatlong buwan ding nakasara ang business ni Kris dahil sa pandemya na nararanasan sa buong mundo.

Walang kinikita ang kanyang business dahil ilang buwan din itong tengga.



Pero hindi naging dahilan ‘yun para tikisin nito ang kanyang mga tauhan.

Kahit walang kita ang negosyo ni Kris na House of Gogi hindi naman ito nagpabaya na bigyang ayuda ang kanyang staff.

Tuluy-tuloy pa rin ang sahod ng kanyang 18 empleyado pati na ang renta nito sa resto.

Umani ng magagandang komento ang aktres sa pagiging mabuting tao nito.

Ang kabutihan ni Kris ay tiyak daw na ibabalik ng nasa Itaas.



Dahil sa pagtulong sa kapwa ni Kris, may netizens na nagsabi na sana ay marami pang katulad ang Kapuso actress.

***

IGAN DAPAT MANINDIGAN AT MAGPAKALALAKI SA PAG-AMIN SA ANAK KAY SARAH

SA interbyu kay Sarah Balabagan ay umamin na ito kung sino ang ama ng kanyang panganay na anak na si Ara.

Sikretong malupit daw ito ayon na rin sa habilin ng veteran broadcaster.

Ang tinutukoy ni Sarah na ama ng kanyang panganay ay si Arnold Clavio. Isang taon din daw ang naging relasyon nina Sarah at Arnold hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan.

Sa kabila ng rebelasyon ni Sarah ay nananahimik naman si Arnold  na sa loob ng 22 years ay nanatiling tikom ang bibig sa pasabog ni Sarah.

Kung magkikita naman ang mag-ama ay kailangan daw na dumaan pa sa ina at kapatid ng broadcaster.

Matagal na nga raw nanahimik si Sarah at ito na ang panahon para basagin ni Arnold ang katahimikan..

Kaya sa FB live ni Sarah ay may patutsada ito kay Arnold  na manindigan at magpakalalake.

Mahinahon naman itong humingi ng pasensya  sa misis ni Arnold.

Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)