Advertisers
HIMALANG nabuhay ang isang inhinyero at sugat lamang sa paa ang tinamo nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila Biyernes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Rodel Moncano, nasa hustong gulang, electrical engineer at residente ng Sta. Mesa, Manila.
Sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay 811, sa Paco, 7:30 ng umaga.
Ayon sa report, naglalakad ang biktima sa gilid ng riles ng tren at tila balisa. Binusinahan pa raw ng tren si Moncano ngunit bigla itong tumawid patungong northbound lane kaya’t nahagip ito ng tren.(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)