Advertisers
Irerekomenda ni Department of Foreign Affairs(DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. na wakasan na ang mga local contracts ng mga Chinese firms na mapapatunayang sangkot sa militirasyon sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Locsin sa isang panayam kahapon.
Ayon pa kay Locsin, nakipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation (DOTr ) at National Economic and Development Authority (NEDA) para malaman kung mayroon itong ongoing projects sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng US sanctions. Sinabi pa ni Locsin na ito ay kapareho ng naging hakbang ng Estados Unidos na magtakda ng sanction sa Beijing state run firms maging sa visa restrictions sa mga Chinese Nationals. Matatandaan nagpatutsada ang Estados Unidos na ginagamit ng China ang kanilang state-owned corporations sa dredging at reclamation ng higit 3k acres na bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea. (Josephine Patricio)