Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 510 gumaling; 91namatay; 3,999

0 210

Advertisers

NASA 209,544 na ang bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19 hanggang nitong alas-4 ng hapon nitong Biyernes sa bansa.
Sa ipinalabas ng Department of Health (DOH) COVID-19 case bulletin no. 167, nakapagtala pa ng 3,999 panibagong kaso ng virus sa bansa.
Sa mga bagong kaso naitala sa National Capital Region (NCR), ang pinakamataas na bilang na umabot sa 2,097, Laguna 178, Cavite 138, Batangas 132 at Cebu 25.
Nasa may 71,745 ang naitalang aktibong kaso.
Nalaman na may 510 pang kaso ang naitala ng DOH na nakarekober sa sakit kaya nasa 134,474 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit.
Habang nadagdagan pa ng 91 ang bilang ng mga namatay sa virus na umabot na sa kabuuang 3,325.(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)