Advertisers

Advertisers

BULOK BA ANG SISTEMA NATIN?

0 389

Advertisers

Naibulalas ni PHILIPPINE RED CROSS (PRC) CHAIRMAN SENATOR  RICHARD GORDON na kung ang mga bumubuo ng PHILHEALTH MAFIA ay malulusutan ang mga kasong isasampa laban sa kanila ay talagang bulok na ang sistema sa ating bansa.., na dapat ay maagapan ito ng mga magigiting nating mambabatas para mabago at matanggal ang bulok na sistema sa ating gobyerno.

“I’m very confident as a lawyer that we can prosecute these people. Pag nakalusot yan talagang bulok na talaga ang sistema natin,” saad ni GORDON patungkol sa kontrobersiyang CORRUPTION sa PHILHEALTH.., kung saan ay naipunto ng naturang opisyal na siyang tumatayong SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR na dapat nang alisin sa posisyon ang lahat na mga REGIONAL VICE PRESIDENTS ng PHILHEALTH dahil ang mga ito umano ang  nagtatamasa sa mga FRAUDULENT CLAIM nitong mga nagdaang taon.

Matinding anomalya itong nakapaloob sa PHILHEALTH MAFIA na hindi.dapat palampasin lamang sa pamamagitan ng pagreresign ng.mga opisyal, dahil base sa pagsisiyasat ng SENADO ay ang mga VICE PRESIDENT umano ang mga maiimpluwensiya at mayroon silang “OWN KINGDOM”.



“The records speak for itself that the mafia is the regional directors. They’ve been there for 20 years. Nakikita niyo, ang laki ng amounts na naka-collect, maraming nagko-complain. Konektado ‘yan, there is really just one mafia. Connected ‘yan doon sa taas,” pahayag ni GORDON sa virtual interview ng ilang mga Journalist.

Teka.., sino kaya ang tinutukoy ni GORDON na may isang MAFIA ang konektado sa taas (taas o base sa sariling interpretasyon ng ARYA ay ang MALACAÑANG o ang PRESIDENTE ang pinatutungkulan ng salitang “taas”).., isa rin kaya etong GENERAL  o sino sa mga CLOSE-IN kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang nagsisilbing link kaya namamayagpag ang kurapsiyon sa nasabing ahensiya?

Gayunman.., kahit may nagsisilbing protector sa mga CORRUPT OFFICIALS ay may magagawa pa rin ang lahat ng mga mambabatas na nagmamalasakit sa kapakanan ng sambayanan at yan ang kaisahan para sa sinserong pagbuwag sa mga SALOT NG BAYAN na kahit proteksiyunan pa ng pinakamataas na lider sa ating bansa ay walang magagawa ito sa solidong pagkilos ng mga tapat na nagseserbisyo sa ating bansa.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng SENADO na talamak sa kurapsiyon ang ilang mga opisyal sa PHILHEALTH at ang rekomendasyon ng komite ay ang agarang pagsibak sa lahat ng mga PHILHEALTH REGIONAL DIRECTOR gayundin ang lahat ng mga  REGIONAL VICE PRESIDENT.

Ang ginawang “gatasan” ng mga tiwaling opisyal sa nasabing ahensiya ay ang pagpapagamot ng.mga pasyente sa CATARACT, PNEUMONIA, DIABETES KETOACIDOSIS at pati ang CAESARIAN SECTION.., na suwerte ng mga maliliit na pagamutang naging “beneficiary” ng multi-milyong salapi mula sa PHILHEALTH gayong maraming mga PUBLIC HOSPITALS ang hindi pa nababayaran dahil sa mga naging PHILHEALTH MEMBER PATIENT at maging ang PRC na pinangangasiwaan ni GORDON ay hindi man lang mabayaran ng PHILHEALTH.



“All these overcharges, overpayments, upscaling, and other nefarious schemes could not have been perpetrated without their cooperation, or, maybe even, principal leadership. There existed sufficient safeguards in the system that could have caught these criminal schemes had they performed their jobs faithfully and honestly,” pagpupunto ni GORDON.

Bunsod nito ay inirekomenda ng komite ni GORDON  na maimbestigahan ng OMBUDSMAN hinggil sa posibilidad na paglabag ng mga ito sa “CORRUPT PRACTICES OF PUBLIC OFFICERS AND ADMINISTRATIVE OFFENSES” ay ang mga personalidad na sina PAOLO JOHANN PEREZ, MASIDING ALONTO, DENNIS ADRE, DR. MIRIAM GRACE PAMONAG, ATTY. VALERIE HOLLERO, WILLIAM CHAVEZ, ATTY. JELBERT GALICTO at KHALIQUZZMAN MACABATO.., kung saan ang 6 sa mga ito ay  nagboluntaryo na sa pagliban sa kanilang trabaho habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kung sa dinadanas natin ngayong COVID-19 PANDEMIC e halos lahat ng LOCAL GOVERNMENT UNITS ay.bumuo ng kani-kanilang mga CONTACT TRACER para tuntunin ang lahat ng mga nahawaan ng virus ay puwede rin sigurong bumuo si GORDON ng PHILHEALTH CLAIMANT TRACERS para magsagawa ng interbyu sa mga CLAIMANT kung totoo nga bang naospital ang.mga ito at ilang araw naratay sa ospital upang masuri kung tunay ba ang nga detalyeng isinusumite ng mga REGIONAL PHILHEALTH patungkol sa listahan ng kanilang mga CLAIMANT.., at kung may  nailistang CLAIMANTS na hindi naman nagkasakit kundi ginamit lang ang pangalan ng inosenteng mamamayan ay malakas nang ebidensiya ito para posasan at ipakulong ang mga dapat makulong.., sa gayon ay maisalba sa tuluyang pagkabulok ang sistema sa ating gobyerno!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.