Advertisers
PAREHONG may kinalaman ang mga karakter nina Biboy Ramirez at Ahron Villena sa gagampanang role ni Kris Bernal para sa new episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado (August 29).
Si Ahron ang asawa ni Kris sa drama pero dahil sa pambubugbog niya sa huli ay tatakasan siya ni Kris. Makikilala naman ng karakter ni Kris si Biboy na isang mabait at mapagmahal na lalaking magtataguyod sa kanila ng kanyang anak.
Nakaka-relate raw si Biboy sa kuwento ni Kris as Jerlyn. “Ang girlfriend ko po ngayon ay single mom din. And para sa akin, hindi importante ang nakaraan ng partner mo. Ang importante, yung nararamdaman ninyo para sa isa’t isa sa kasalukuyan.”
Na-challenge naman daw si Ahron sa role niya rito. “Medyo mabigat ang character ni Nestor kasi nambubugbog ng asawa, hindi lang isang beses, maraming beses.”
Tiyak na kukurot na naman sa puso ang bagong episode na ito ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.
***
IPU-push mo pa rin ba ang pagsuyo sa isang lalaking mahal mo pero may pusong babae? Will you hold on to the relationship? O hindi mo na ipaglalaban ang nararamdaman mo para sa kanya?
Mawawala ba kay VJ ang anak niya? Maghihintay ba ulit siyang ipagtanggol ng ama o magpapakalalaki siya para ipaglaban ang karapatan niyang mag-aruga at magpalaki sa sariling anak?
Tunghayan ang espesyal at bagong episode ng Magpakailanman sa GMA na pinamagatang “My Gay Husband” sa pangunguna ni Kapuso Actor EA Guzman (bilang VJ), kasama sina Rez Cortez (bilang Manny), Tanya Gomez at Ana De Leon (bilang Riza).
May hashtag na #MPKGayHusband, mapapanood ito ngayong Sabado na sa direksyon ni Zig Dulay.
***
SA latest vlog ng Kapuso actress na si Klea Pineda, hinamon niya si Andre Paras na gawin ang fun “Jojowain o Totropahin” challenge kasama niya.
Game na game naman ang Kapuso actor at ibinunyag pa niyang “jojowain” niya ang dalaga.
Pabirong pag-amin ni Andre, “Ang nakakapikon lang kasi, never kaming nagkaroon ng eksena sa Encantadia. Sana ‘yung mga writer natin naisip na pwede ‘yun. Gusto ko siyang ma-meet kasi alam ko na hindi lang siya maganda in person pero inside, she’s very respectful sa parents, very goal-driven, at alam niya kung ano’ng gusto niya.”
Para naman kay Klea, “Kasi si Andre, very fun siyang kasama tapos mafi-feel mo na concerned siya sa’yo. Pag kailangan mo ng kausap, nandyan siya para sa’yo at hindi ka mabo-bore ‘pag kasama siya. Kaya feeling ko, pwede… jojowain ko siya.”
Pinaalalahanan naman ng dalawa ang mga manonood na huwag bigyan ng malisya ang kanilang challenge. “Okay, disclaimer it’s just a game, okay? For fun lang ito,” lahad ni Andre.
Samantala, para hindi ma-miss ng kanilang fans sina Klea at Andre, mapapanood ang latest aired episodes ng Magkaagaw at Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Network official website o sa GMA App.
***
SA recent episode ng ‘Mars Pa More’, nagbigay ng tips si Janine Gutierrez kung paano mag-recycle at maging mas eco-friendly.
Bukod sa pagse-segregate ng biodegradable mula sa non-biodegradable waste, hinihiwalay rin niya ang mga plastic. Aniya, “’Yung mga plastic container na nakukuha ko, tinatago ko at binibigay ko sa isang recycler. At para naman sa mga plastic na pwede gupitin, ginagawa kong ecobricks.”
Pagbabahagi ng aktres, “Ang ecobrick ay isang form ng construction material na pwedeng gamitin sa paggawa ng mga bahay na eco-friendly. So it’s a way for us to help prevent plastic that we use from getting into the ocean. All you have to do is collect your plastic, cut them into pieces, and stuff them inside an ecobrick or a plastic bottle. You can drop this off sa donation points kung saan magagamit siya at hindi mapupunta sa landfill.” (Rommel Gonzales)