Advertisers
Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang abogado nang pigilan ang demolisyon ng mga informal settler malapit sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) compound nitong Huwebes, Agosto 27.
Kinilala ang abogado na si Noel Valerio, 54, legal counsel ng mga informal settler sa lugar.
Ayon sa ulat, pinangunanahan ng Quezon City Task Force for the Control Prevention and Removal of Illegal Structures and Squatting (COPRISS) ang demolisyon sa ayon sa hiling ng naturang ospital sa East Avenue cor. Elliptical Road 10:00 nang pigilan ito ni Valerio.
Sa report, iniutos din ni Valerio sa mga informal settler na manatili sa kanilang mga bahay habang isinasagawa ang demolisyon dahilan upang dakipin ang abogado ng mga pulis.
Nananatiling nakadetine si Valerio sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na nahaharap sa kasong disobedience to authorities and obstruction of justice. (Boy Celario)