Advertisers

Advertisers

3 mangingisda nalambat sa laot sa Batanes

0 213

Advertisers

Natagpuan ang tatlong mangingisda na nawawala nitong Huwebes nang pumalaot sa Batanes noong Agosto 20.
Ayon sa provincial government, isang grupo ng mga mangingisda rin ang nakahanap kina Eduardo Elica, Antonio Lizardo, at Florentino Alviso sa isla ng Dinem.
Sa ulat, doon umano napadpad ang mga nalambat na mangingisda nang maghanap ng matutuluyan nang makaranas ng masamang panahon sa dagat.
Nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya ang tatlong mangingisda. (PTF team)