Advertisers

Advertisers

10K dagdag na contact tracers para sa NCR iha-hire ng DILG

0 224

Advertisers

Target ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mag-hire ng 10,000 pang contact tracers para ipakalat sa National Capital Region (NCR) dahil na rin sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases dito.
Ito ang kinumpirma ni DILG spkesperson Usec. Jonathan Malaya sa isang panayam kahapon. Nilinaw ni Malaya na ang pagkuha ng dagdag na contact tracers ay alinsunod sa 1:800 ratio requirement ng World Health Organization (WHO).
Panawagan ni Malaya na ang mga hinahanap na contact tracers ay kinakailangang nakapagtapos ng medical courses at criminology o kasalukuyang nag-aaral sa naturang mga kurso. Hinihimok ni Malaya ang lahat ng interesado na magpasa ng transcript of records, application letter, NBI clearance, personal data sheet at drug test.(Josephine Patricio)