Advertisers

Advertisers

SA MANLULUPIG, DI KA PASISIIL! MABUHAY KA, MAYOR ISKO…

0 513

Advertisers

BILANG isang Pilipino, isang Manilenyo, hinahangaan ko si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang paninindigan at pagkamakabayan sa mabilis na aksiyon niya laban sa dalawang negosyanteng Chinese na ipatapon sa bansa nila.

Kaisa ako ni Mayor Domagoso sa galit sa abusadong dalawang negosyanteng Intsik na pangahas at lapastangan sa dangal ng ating bansa na ipagyabang sa kanilang beauty products na ang Maynila raw ay probinsiya ng China.



Ano ba sa Mandarin o Cantonese ang put@#$%*.

Hindi ko man narinig, tiyak nakapagmura si Mayor Isko sa galit; at ang inaasahan ko na unang-unang magagalit ay si Presidente Duterte, pero parang MIA nga yata siya.

Missing In Action ang ating presidente na kilala natin sa kanyang malulutong na colorful language at curse words!

Kinasasabikan ko na marinig ang put _#$$@&^ niya at sana marinig ko ang order niyang “shoot to kill.”

Joke lang po, Mr. President Rodrigo Roa Duterte.



In the coming days, baka marinig na natin ang boses ni Tatay Digong – na kinakastigo ang mga balahurang Chinese businessman na walang galang sa batas natin at sana siya na mismo ang mag-utos sa Immigration na kasuhan at ipatapon ang dalawang bastos na Chinese.

***

Seriously, sino pa at kailan unang sumulpot ang isyung probinsiya ng China ang Pilipinas.

Natatandaan ko, July 2018, unang bumulaga sa Maynila, Quezon City, Pasay City, at malapit sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City at ilan pang lugar ang mga banner at tarpaulin na nakasulat ang mga salitang “Welcome to the Philippines, Province of China.

Sa banner, nakalagay ang watawat ng China sa magkabilang dulo ng karatula at may nakalarawang dalawang dragon.

Nakasulat sa banner ay ang tradisyonal na Chinese characters na hindi raw karaniwang ginagamit sa mainland China.

Nagkataon na sa pagsulpot ng mga ganoong klaseng banner, ay second anniversary ng panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na inihayag na ang karagatang West Philippine Sea o South China Sea ay nasa exclusive economic zone ng ating bansa.

Ayokong isipin, pero malakas ang kutob ko, ang nagpakalat ng banner ay ang tropang nabubuwisit kay Pangulong Duterte kasi “nanahimik” ito at hindi ipinaglaban ang panalo sa The Hague, The Netherlands – na sa simula noon pa ay hindi tinatanggap ng China.

As usual, kahit walang umaamin, ang daliri ay nakaturo sa “Dilawan” na may pakana ng nakaiinsultong banner at tarpaulin.

Sabi ni presidential spokesman Secretary Harry Roque, hindi lang pangangantiyaw sa

Pangulo ang nakaiinsultong banner; ito ay upang galitin si Duterte para udyukan ito na ipaglaban ang sobereniya at angkinin ang buong panalo at karapatan sa WPS na atin talagang teritoryo noon pa man.

Hindi nangyari ang gusto ng mga galit sa Pangulo at lalo pang uminit ang “friendship” nito kay Chinese Pres Xi Jinping.

Ang nag-react noon ay si Zhao Jianhua, China’s ambassador to the Philippines, at sabi niya, hindi raw kailanman naging bahagi ng China ang Pilipinas.

Vicious attack daw iyon sa magandang relasyon ng Pilipinas at China.

E, ngayong tinotoo ng dalawang Chinese na “province” ng China ang Maynila (o Pilipinas) ayon sa pakete ng beauty products na Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair, kaytahimik ang dating maingay na dila ng embahada ng China.

***

Natatandaan ko, sabi ni Atty. Florin Hilbay, talunang kandidatong senador ng Ocho Direcho, yun daw banner ay isang creative form of protest.

“Yun namang kapanalig ng Dilawan ay sinundan ang creative protest na iyon sa mga kantyaw sa social media na “tuta ng China” si Tatay Digong.

So far, wala tayong naririnig na protesta mula sa Malakanyang tungkol sa pambabastos ng
dalawang Chinese national na ipadedeport ni Mayor Isko.

Wala rin tayong naririnig sa maingay na Human Rights Groups, kina Atty. Chel Diokno at sa tropang raliyistang Makabayan.

Mas interesado yata sila sa “rights” ng ABS-CBN at sa freedom of expression and of the press.

At tama ba na “irritants” lamang ito sa relasyong Philippines at China, Sec. Sal Panelo?

Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting/ Sa

Manlulupig Di ka pasisiil…

…. Aming Ligaya na pag may mang-aapi, Ang mamatay

nang dahil sa iyo!

 

Mabuhay ka, Mayor Isko.

Bangon, Pilipinas!

***

Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.