Advertisers

Advertisers

Requirements para sa mataas na posisyon sa PhilHealth, namanipula

0 254

Advertisers

Lumabas sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa mga anomalya sa PhilHealth na tila namanipula ng PhilHealth ang requirements para sa kanilang senior vice president positions.
Ayon kay Senior Vice President for Management Services Sector Dennis Mas, noong 2014 ay naglabas ng isang resolusyon ang PhilHealth board kung saan nakasaad na ang pagiging “non-station specific” ng mga managerial at executive positions.
Ibig sabihin, wala nang ispesipikong designation o generic na lamang ang posisyon tulad sa mga senior vice president.
Dahil naman dito, ay kahit ang minimum requirement lamang na hinihingi ng Civil Service Commission ang kanilang natupad ay inaprubahan ng CSC ang kanilang appointment.
Paliwanag naman ni CSC Chairperson Alicia Dela-Rosa Bala, ang Governance Commission for GOCCs o GCG ang naga-approve ng istruktura ng isang GOCC.
Oras na maaprubahan, ang board na ng naturang ahensya ang magtatalaga ng dagdag pang requirement depende sa position.
Ngunit sa kaso nga ng PhilHealth ay generic na senior vice president position lamang ang kanilang isinaad.
Kabilang sa generic requirement para sa mga salary grade 24 pataas ay masters degree, lisensya o board passer kung ang trabaho ay related sa practice, 5 years managerial position at 120 hours ang training. (Henry Padilla)