Advertisers

Advertisers

Panukalang dagdag benepisyo sa mga solo parents aprub sa Kamara

0 271

Advertisers

Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang funding provision ng substitute bill na magbibigay ng karagdagang benepisyo para sa mga solo parents na bahagi ng layong pag-amyenda sa Republic Act 8972 o ang “Solo Parents Welfare Act of 2000.”
Inaprubahan ng Komite ang rekomendasyon ng House Committee on Revision of Laws na ang pondo para sa nasabing panukala ay ipapaloob na sa taunang appropriations ng mga ahensya na may kaugnayan sa pagpapatupad nito.
Ikinalugod naman ng Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang naturang hakbang.
Aniya malaking tulong kung agad itong maisasabatas dahil sa mabigat na pasanin para sa mga solo parents ang kawalan ng trabaho at ayuda sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa ilalim ng substitute bill, makakakuha ng 10 percent na discount ang mga solo parents sa iba’t ibang basic needs kasama na ang clothing materials, food and micronutrient supplement at gamot para sa kanilang mga anak na anim na taong gulang pababa.
Entitled din ang mga solo parents sa 7 days na paid parental leave ano man ang kanilang employment status.
Nakasaad din sa panukala na mahaharap sa parusang pagkakakulong ng hanggang isang taon at o multa na P10,000 hanggang P50,000 ang ano mang korporasyon, ahensya o kompanya na bigong ipatupad ang benepisyo para sa mga solo parents. (Henry Padilla)