Advertisers

Advertisers

‘OVERHAULING’

0 673

Advertisers

Tinanggap ni Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Ricardo Morales bilang presidente at CEO ng PhilHealth, ngunit hindi ito nangangahulugan na bagong umaga para sa GOCC na ang pakay ay tulungan ang mga mamamayan sa usaping pangkalusugan. Marami ang natatawa sapagkat nagbitiw si Morales matapos patalsikin. Mas nakakatawa dahil tinanggap naman ni Duterte ang pagbibitiw umano.

Hindi naiiba ang usapin ng pagwaldas ng salapi ng PhilHealth sa usapin ng pagsugpo sa Covid-19. Walang plano, walang programa, at walang malinaw na solusyon upang ituwid ang suliranin ng PhilHealth. Hanggang ngayon, umaasa si Duterte sa bakuna na hindi pa nadidiskubre. Ito ang tangi niyang solusyon sa pandemya na gumiba sa mahigit 200,000 katao sa bansa.

Walang ibinababang kalutasan sa suliranin sa pananalapi sa PhilHealth. Mukhang kailangan maghintay ang sambayanan sa anumang iniisip na solusyon sa mga susunod na linggo o buwan. Ngayon, wala pang solusyon kahit bilyon-bilyon ang nawawala sa pondo ng PhilHealth. Wala pa rin ibinababang solusyon upang maampat man lamang ang pagdurugo ng PhilHealth.



Samantala, nagbabala ang Philippine National Red Cross sa mga organisasyon na pumipiga sa PhilHealth na bayaran ang malaking utang. Nagpahayag ng pagkabahala si Dick Gordon na maaaring tapusin ng Red Cross ang mass testing sa mga mamamayan kung hindi babayaran ng PhilHealth ang utang na aabot sa P700 milyon. May kasunduan ang Red Cross at PhilHealth para sa mass testing.

Maliban sa paunang bayad na P100 milyon, hindi na nagbayad ang PhilHealth hanggang lumobo sa P700 milyon ang kabuuang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Pumutok ang balita tungkol sa kapalpakan sa pamamahala sa pananalapi ng PhilHealth at naiwan ang Red Cross na umaasa sa bayad sa serbisyo sa mass testing, ani Gordon.

Pero teka, may tanong si Charlie Manalo, isang manunulat. “Bakit naniningil ang Red Cross sa PhilHealth for the Swab testing? Aside from being a humanitarian organization, naniningil naman siya ng P4,500 for every swab test that they conducted. Hindi ba kasama dyan ang OFW? Yung bayaw kong seaman, nagbayad para sa swab test niya done by Red Cross.” Marapat lang na magpaliwanag si Dick Gordon dito.

Samantala, mangangailangan ang PhilHealth ng totohanang reorganization upang muling mapasigla ang naluluging GOCC. Mistulang “overhauling” ng isang palyadong sasakyan ang kailangan ng PhilHealth. Kailangan habulin ang mga salarin sa pagwawaldas sa pananalapi ng PhilHealth.

Pinagtatawanan ang draft report ng komite ni Gordon na mga opisyales sa ilalim ng administrasyon ni PNoy ang hahabulin ng demanda. Hindi namin alam kung bakit mahilig si Gordon sa mga draft report o mga trial balloon. Bakit hindi na lang ibigay ang final report na pirmado ng mga senador na miyembro ng kanyang blue ribbon committee sa halip na draft report?
***
DAHIL sa tagumpay ng huling diskurso ni Bise Presidente Leni Robredo sa sambayanan noong Lunes ng gabi, maraming mamamayan ang humiling kung maari, gawing regular ang pagharap niya sa sambayanan tuwing Lunes. Pinag-aaralan ito ng Office of the Vice President.



Hindi namin alam kung sustainable ito sapagkat may programa naman sa radio ang Bise Presidente tuwing Linggo ng umaga sa estasyong dzXL ng Radio Mindanao Network (PMN). Kapiling niya ang batikang broadcast journalist na si Ely Saludar tuwing Linggo sa programang “Biserbisyo.”

Wala naman problema sa regular na Monday chat with the Vice President, ngunit umuugat ang pangamba namin sa estado ng opisina ng Bise Presidente. Sang-ayon sa Saligang Batas, walang ginagawa ang Bise Presidente kundi stand-by lamang siya sa anuman mangyayari sa nakaluklok na pangulo.

Hindi siya automatikong presiding officer ng Senado na katulad ng bise presidente ng Estados Unidos. Hindi rin siya automatikong kasapi ng Gabinete ng nakaupong pangulo. Ngayon, mayroon nang konsepto ng “working vice president,” ngunit nakasasalay pa rin ito sa kagustuhan ng nakaluklok na pangalawang pangulo. Batid namin na maraming ginagawa si Bise Presidente, ngunit mayroon pa rin pangamba pagdating sa mga dagdag na gawain.

Totoong hinahanap ng sambayanan ang malinaw na direksyon sa pagharap sa maraming suliranin ng bansa, kasama na ang usapin ng Covid-19. Subalit hindi naman marapat na saklawin ng Pangalawang Pangulo ang ibang gawain ng Ehekutibo.
***
HINDI mamatay-matay ang usapin ng revolutionary government kahit na itinatwa ni Duterte ang mga taong nagtataguyod ng usaping ito. May mga humihirit pa rin kay Duterte na tangkilikin ang programa bagaman malinaw na pinagtatawanan lamang ito.

May mga ulat kaming natanggap na nagbabakbakan naman ang ilang grupo sa nagtataguyod ng RevGov. Kanya-kanyang sisihin sa kanilang programa sa publiko. Bakit nga naman matutuwa? May mga ilang babala na mahaharap sa demandang sedition at inciting to sedition ang mga nagtaguyod nito. Kasama sa mga nagbabala si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Lumantad upang pagtawanan at durahan sa publiko ang kilusang RevGov. Nilait at kinutya ng maraming mamamayan ang palasak na umano, ay kagaguhan ng mga nagtataguyod. Hindi namin maaalis ang humalakhak sa isang post na nabasa namin tungkol sa RevGov at ang flipside nito na federalism. Narito:

“Re RevGov, where would you find an advocacy, where officials want to topple a government to replace with a revolutionary government so that they could replace themselves with themselves?

“Re Federalism, where would you find an advocacy, where these quirky people would call for the break-up of the entire country into 18 federated states and install a dictator in the person of the sick crazy old man so that he could hold the 18 federated states together?”
***
MAIGING tumigil na ang Palasyo sa pagsasabing “malusog” si Duterte. Kahit daang libo nilang sabihin na “malakas pa sa kalabaw,” si Duterte, isa lang ang problema nila: Sino ang maniniwala sa kanila? Totoong hindi makikitang malusog at walang sakit si Duterte.

Si Duterte mismo ang nagpapatotoo na marami siyang sakit – kung ano-ano. Inamin din niya na malapit na sa stage one ang kanyang kanser sa esophagus. Biglang papasok ang kanyang caregiver ay sabihin pa rin na malusog siya. Sino ang matutuwa.
***
MGA PILING SALITA: “Kung night person si Duterte, dapat sa call center siya magtrabaho at huwag sa Malacañang.” – Archie Mendoza, netizen

“The highest accomplishment of Government is convincing citizens that good is bad and bad is good. Reconfiguring truth. The highest shame of citizens is that they buy the stuff and live the disaster that emerges.” – Joe America, netizen

“Our rights make us human. Recognizing them makes us humane.” – Pilo Hilbay

Nakakabilib ang mga propagandista ng Malacañang, halos kumisay at bumulagta na ang presidente nila, malusog pa rin at walang sakit.

“Honestly, ask yourself, does duterte have a plan to address the worsening pandemic? Other countries have already contained the virus and are now focusing on economic recovery. Tayo, survival of the fittest pa rin.” – Sonny Trillanes
***
NARITO ang pahayag ng Akbayan tungkol sa usapin ng RevGov:

AKBAYAN TO DUTERTE: FIRE ALL PRO-REVGOV OFFICIALS

Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales on Wednesday challenged President Rodrigo Duterte to fire all administration officials who endorsed, supported, and participated in rallies and other activities organized by groups calling for the establishment of a so-called revolutionary government.

Akbayan issued the challenge after Duterte distanced himself from the supposed clamors of his supporters to establish a revolutionary government.

Rosales, who was also a former Akbayan Representative, said that the firing of pro-RevGov officials is a “litmus test” for Duterte to prove whether or not he is actually behind the push to establish an extra-constitutional regime.

“Simple lang. Kung wala talagang kinalaman si Mr. Duterte sa panawagang RevGov, dapat niyang sisantehin mula sa posisyon ang lahat ng kanyang opisyales na sumuporta dito. Otherwise, Mr. Duterte admits that he is a lameduck president who has no control over his people, or the real architect of the calls for RevGov,” Rosales said.

Email:bootsfra@yahoo.com