Advertisers
ARESTADO ang isang online seller at fixer ng Land Transportation Office (LTO) sa San Miguel sa pagsasanla umano ng ‘hot car’.
Kinilala ni Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police, ang online seller na si Baldwin Brent Co alias “Mark Alexander Xiao Tulay” at ang umano’y LTO fixer-cohort na si Abbygail Rugay Pascua.
Sa ulat, naaresto si Co sa Makati City noong Mayo sa kasong estafa sa “online selling scheme” at may ilan pang nakabinbing kaso.
Ayon sa report, sinangla ng mga suspek ang black Jeep Wrangler sa isang Jose Paterno sa San Miguel sa halagang P500,000.
Nagbigay naman ng downpayment ang buyer ng P20,000.
“An entrapment operation was then hatched that led to the suspects’ arrest when they came to collect the remaining balance from Paterno,” ayon kay Cajipe.
Base sa imbestigasyon, kinilala ang may-ari na si John Rafael A. Juson ng Biñan, Laguna. Sinabi niyang nanakaw ang kanyang sasakyan noong nakaraang linggo sa Muntinlupa City. (James de Jesus)