Advertisers

Advertisers

MERALCO PINAGMUMULTA NG ERC NG P19-M SA ‘SHOCK BILL’

0 272

Advertisers

UMABOT sa P19 milyon ang ipinataw na multa ng Energy Regulatory Board (ERC) sa Manila Electric Company (Meralcol) dahil sa bill shock incident.
Ayon kay ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera, nagdulot ng kalituhan mula sa mga consumers ang hindi pagbibigay ng wastong impormasyon ng Meralco habang nasa kasagsagan ng pandemya ang bansa.
Saad pa ni Devanadera na ang paglabag ng Meralco ay nagdulot ng kabi-kabilaang reklamo na inihain ng mga consumer nito.
Dagdag pa nito na nasa 190 araw ang naging paglabag ng Meralco.
Ipinag-utos ng ERC sa Meralco na gawing zero ang Distribution, Supply, and Metering (DSM) charges ng lifeline ng consumers na may buwanang konsumo na hindi hihigit sa 100kwh sa loob ng isang buwan na epektibo sa susunod na bill.
Nabatid na hindi puwedeng ipasa ng Meralco sa mga non-lifeline consumer ang discount na ibibigay sa mga lifeline na umano’y higit P200 milyon.
Pinasusumite ng ERC ang Meralco ng Compliance Report sa loob ng 15 araw matapos ang kanilang pagpapatupad kung saan nakasaad kung ilan ang kabuuang consumer na nakinabang at magkano ang total discount na naibigay. (Josephine Patricio)