Advertisers

Advertisers

Increase sa pension ng veterans aprub na

0 363

Advertisers

Inaprubahan ng Kamara sa botong 226 affirmative votes ang House Bill 7302 o ang “Disability Pension of Veterans Act”.
Layon ng panukala na i-rationalize at itaas ang disability pension ng mga beterano na nagkaroon ng kapansanan habang sila pa ay nasa aktibong serbisyo.
Oras na maisabatas, mula sa P1,000 na pensyon kada buwan ay itataas na ito sa P4,500; P5,000 naman sa mga kasalukuyang tumatanggap ng P1,100 na pension disability; P6,100 naman sa mga may P1,200 disability pension kada buwan habang P6,900 naman sa mga may P1,300 disability pension.
Ang beterano naman na kasalukuyang tumatanggap ng P1,400 na disability pension ay maaari nang makatanggap ng P7,700; P8,500 naman sa mga may P1,500 disability pension; P9,300 sa mga may P1,600 disability pension at itataas sa P10,000 ang may P1,700 na disability pension.
Maging ang P500 pension na natatanggap kada buwan ng asawa o anak na menor de edad ng isang beterano ay itataas din sa halagang P1000. (Henry Padilla)