Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 566 gumaling; 97 namatay; 3,249 new cases

0 217

Advertisers

UMAKYAT na sa 205,581 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitatala sa bansa.
Batay sa case bulletin na inisyu ng Department of Health (DOH) nabatid na nakapagtala pa sila ng 3,249 mga bagong kaso ng virus infection hanggang 4PM nitong Agosto 27.
Karamihan sa mga bagong kaso ng sakit ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,584 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 147 new cases, Laguna na may 143 new cases, Negros Occidental na may 140 new cases at Batangas na may 123 new cases.
Ang magandang balita naman ay nakapagtala rin ang DOH ng 566 na bagong gumaling mula sa COVID-19 kaya’t umaabot na ngayon sa 133,990 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa virus sa bansa.
Samantala, may 97 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito ay 40 ang namatay ngayong Agosto, 51 noong Hulyo, lima noong Hunyo, at isa noong Abril.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,234 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
May 29 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)