Advertisers
Muling nagpamalas ng pagkakaisa ang mga manlalaro ng National Basketball Association matapos ang ginawang pag-boycott ng Milwaukee Bucks sa Game 5 ng kanilang first-round series kontra sa Orlando Magic noong Miyerkules (Huwebes ng umaga sa Pilipinas).
Ito ay kaugnay sa isa na namang shooting incident na kinasasangkutan ng mga pulis at isang Black American.
Pitong tama ng baril ang tinamo ng 29-anyos na si Jacob Blake habang magtatangka sana itong pumasok sa kanyang sasakyan na lulan ang tatlo niyang anak. Ayon sa ulat ay unarmed ang biktima ng pamamaril na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.
Nangyari ang insidente sa Kenosha, Wisconsin na 40 miles lang layo sa Milwaukee.
Malinaw ang mensaheng nais iparating ng mga manlalaro sa NBA – hindi sila basta na lamang magsasawalang-kibo sa mga nangyayaring karahasan at social injustice sa mga African Americans.
They’ve been living in fear kahit na tapos na ang panahon ng slavery dahil marami pa rin tao na maliit ang tingin sa kanila.
Inspiring ang solidarity na ipinapakita ng mga personalidad sa NBA. Nagkakaisa ang lahat kasama na pati ang mga coaches at team executives.
Sana nga lang ay hindi ang buong season ang i-boycott nila. While we understand their stand, parang magiging selfish ang desisyon na i-boyott nila ang buong season. Bukod kasi sa madi-disappoint ang kanilang mga fans ay posibleng maging simula na rin ito ng pagbagsak ng NBA. Maraming mawawalan ng hanapbuhay kapag nagkataon.
They’ve made their point and they’ve used the NBA as a platform to make that point. Huwag sana nilang kalimutan na kung hindi dahil sa NBA ay malamang na walang papansin sa kung ano man ang gusto nilang sabihin.
Although malabong mangyari, I’m sure na ayaw ng mga players and officials na dumating ang time na mga fans naman ang magdesisyong i-boycott ang mga laro sa NBA.